
Ang Disyembre 18 ay Pandaigdigang Araw ng mga Migrante.
Maraming tao sa buong mundo ang umaalis sa bansang sinilangan at nangingibang
bansa para sa trabaho, pamilya o kaligtasan. Ang mga taong ito ay
tinatawag na “migrante.”
Ang Pandaigdigang Araw ng mga Migrante ay araw para pag-isipan kung ano ang maaari nating gawin upang protektahan ang mga migrante at makabuo ng lipunang kung saan
lahat ay maaaring mamuhay nang magkakasama.
Maaaring may ilan sa inyo na bumabasa ng mensaheng ito ang nakakaramdam ng
pag-aalala dahil madalas ninyong naririnig kamakailan sa balita ang salitang
“dayuhan (Gaikokujin sa Japanese).”
Kahit saan man kayo pumunta sa mundo o ano pa man ang inyong pinagmulan, natural
lang ang makapagtrabaho kayo at mamuhay nang mapayapa.
Hindi dapat mangyari kailanman na kayo ay makaramdam na di panatag ang loob,
o may takot dahil sa sinasabing [kayo ay dayuhan], [hindi marunong mag Japanese],[hindi alam ang patakaran ng Japan].
Sainyo na nakatira sa Japan, ang inyong karapatan at tahanan ay narito na.
Hinding-hindi magbabago iyon, anuman ang mangyari.
Kahit magkakaiba ang ating wika, kultura, o bansa, tayo ay parehong mga tao.
Sama-sama tayong bumuo ng lipunang nagpapahalaga sa ating pagkakaiba-iba.