Pinulong ng Gobyerno ng Japan ang Ministerial Council on Acceptance and Inclusion of Foreign Human Resources ngayong araw, Pebrero 9, at nagpasya sa planong pagbabago ng Immigration Control Act na gumawa ng bagong sistema ng pag-unlad ng manggagawa bilang kapalit ng Technical Intern Training Program. Napagpasyahan din na karagdagang isaalang-alang ang paglilinaw sa mga kinakailangan (requirements) para sa permanent resident status at kanselahin ang permanent resident status na ito kung ang mga pinagkalooban ay hindi nakakatupad sa mga kinakailangan, bilang tugon sa inaasahang pagtaas ng mga dayuhang residente sa ilalim ng sistema ng Specified Skills Worker, kung saan ang mga may hawak ng visa maaaring manirahan nang permanente.
Kami ay laban sa patakarang ito, dahil ang pagkansela ng permanent resident status ay lubhang nakakasira hindi lamang sa katayuan ng mga dayuhang residente na may hawak na permanent residence status, kundi sa lahat ng mga dayuhang residente na maaaring mag-aplay ng permanent residence sa hinaharap.
Ang residence status ng mga permanenteng residente ay ibinibigay sa mga nakakatugon sa mahigpit na mga kinakailangan, tulad ng paninirahan sa Japan ng may sapat na bilang ng taon at pamumuhay na matatag. Karamihan ng mga ibang resident status, kinakailangan na i-renew ng pinagkalooban nito ang kanilang status sa tuwing mag-e-expire ito. Ang mga may status na may tiyak na layunin ay may peligro na hindi ma-renew ang kanilang status kapag nagbago ang kanilang mga kalagayan, tulad ng status para sa mga may tiyak na trabaho sa ilang kategorya o para sa mga estudyante, o para sa mga may asawa kapag namatay ang kanilang asawa o kaya sila ay hiwalay. Para sa mga dayuhang residente na naitatag na ang buhay sa Japan, kinakailangan nila ang isang matatag na status ng paninirahan na walang ganoong peligro upang maramdaman na ligtas sila sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ang katayuan ng mga may permanenteng residente dapat nasa ganoong kalakagayan. Gayunpaman, ang pagsusuri para sa katayuang permanent residence ay lalong naging mahigpit, at tumataas ang bilang ng mga dayuhang residente na tinatanggihan ng status na ito sa kabila ng maraming taon nilang paninirahan sa bansang ito.
Hindi ibinunyag ng gobyerno ang mga detalyeng batayan para sa pagkansela ng resident status na plano nitong simulan. Posible para sa sinuman na hindi makatugon sa mga kinakailangan ng pagiging permanent resident habang sila ay namumuhay sa Japan pagkatapos matanggap ang permiso ng permanent residence. Samantala, ang pagkansela ng isang permanent resident status ay nag-aalis sa dayuhang residente ng isang matatag na kabuhayan na kanyang itinayo sa loob ng maraming taon na pagsusumikap sa Japan. Kung ang status ng paninirahan ay maaaring kanselahin para sa mga kadahilanang maaaring mangyari sa sinuman, tulad ng hindi makatugon sa pangangailangang pangkabuhayan dahil sa sakit, kawalan ng trabaho o pagbabago sa lipunan, o hindi makabayad ng buwis o makabayad ng social security payments dahil sa pagbaba ng kita o pagkamali sa panahon ng operasyon, ang mga dayuhang residente ay hindi makakakapamuhay na may pakiramadam na sila ay ligtas. Sapat na ang tumugon sa mga atraso sa pagbabayad ng buwis o social security, o maliit na paglabag sa batas na hindi katumbas ng mga batayan para sa deportasyon na may paalala, pag-agaw, administratibo o kriminal na parusa, tulad dapat sa mga mamamayang Hapon. Kung ang mga dayuhang residente lamang ang paparusahan ng pagkansela ng resident status sa kabila ng ganap na pagtatatag ng kanilang buhay sa Japan, ito ay katumbas ng diskriminasyon laban sa mga dayuhang residente.
Sa ilalim ng umiiral na batas, kapag nagbigay ng maling impormasyon habang nag-aaplay, kahit na ang mga permanenteng residente ay maaaring kanselahin ang kanilang status, at maaari silang i-deport, kapag lumabag sila sa ilang batas kriminal at iba pang batas.
Ang sinimulang plano na sistema para sa pagkansela ng status ng mga permanenteng residente ay hindi lamang magpapapahina sa buhay ng halos 900,000 dayuhang mamamayan na may permanenteng resident status (mula noong Hunyo 2023: 880,178, o 27.3% ng lahat ng dayuhang residente), kundi magdudulot din ito ng pag-aalala sa mga dayuhang residente na nagpaplanong mag-aplay ng permanent residence status. Salungat ito sa “realization of an inclusive society” na pinagsusumikapang makamit ng gobyerno. Gayundin, kung ang permiso ng permanent resident ng bata/mga anak ay bawiin kasabay ng pagkansela ng status ng paninirahan ng mga magulang, magkakaroon ito ng napakalaking epekto sa karera at kinabukasan ng bata/mga anak.
Malakas kaming tumututol laban sa patakaran ng gobyerno na habang buhay naglalagay sa mga dayuhang residente na naitatag na ang buhay sa Japan, at pinili ang bansang ito bilang kanilang huling tirahan, sa ilalim ng mahigpit na kontrol at pangangasiwa, at nagpapahintulot pagkaitan ng status kahit ang mga pinagkalooban na ng pinakamatatag na residence status.
Pebrero 9, 2024
Solidarity Network with Migrants Japan(SMJ)